DA-Region1, pinapayuhan ang mga magsasaka na magtipid sa tubig para sa kanilang sakahan

Pinapayuhan ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 1 ang mga magsasaka na paghandaan parin ang inaasahang epekto ng sa El Nino Phenomenon sa mga sakahan.

Sinabi ni Dr. Valentino Perdido, ang Regional Executive Director ng DA na huwag maging kampante na hindi na mararanasan ang El Nino dahil sa dami ng tubig na bunsod ng bagyong Lando.

Hinihikayat din ni Perdido ang mga magsasaka rehiyon na tipirin ang tubig na naimbak sa kanilang mga sakahan at palaisdaan para mayroon silang magamit kapag nagtanim na ng mga gulay sa sandaling maranasan ang El Nino.

Dagdag pa ng opisyal na maire-rekomenda parin ng DA ang cloud- seeding operation gaya ng mga nakaraang mga buwan na na-atrasado lamang ng dumating ang bagyo na nagbuhos ng maraming tubig ulan dahilan ng pagkakabaha ng mga taniman.

Speak Your Mind

*