Daan-daang katao, dumagsa sa Comelec Pangasinan ngayong araw

Nagpapasalamat ang Commission on Election (Comelec)–Pangasinan sa mga supporters ng dalawang nag-file na Certificates of Candidacy (COC) sa pagka-gubernador sa kanilang ipinakitang kooperasyon.

Dagsa kaninang umaga sa Astrodome Compound sa lungsod ng Dagupan partikular sa Comelec ang mga supporters ng mga kandidato.

Tiniyak naman ni Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas na handang mag-adjust ang Comelec Office para sa mamamayan.

Kasabay nito ay sinabi ni Salas na sa October 16 ay hanggang alas-singko ng hapon lamang tatanggap ng COC ang Comelec.

Ito ay bilang paglilinaw naman sa mga napapabalitang sa huling araw ng pag-file ng COC ay hanggang alas-dose ng hatinggabi ang filing.

Speak Your Mind

*