Dagdag na bayad sa mga gurong magsisilbi sa 2016 elections, pinag-aaralan na ng DepEd

Masusing pinag-aaralan ng Department of Education ang pagbibigay ng dagdag na bayad sa mga gurong magsisilbing Board of Election Inspector (BEI) sa halalan sa 2016.

Ayon kay education  Secretary Armin Luistro, noong  2013 election, binigyan ang mga guro ng 3,000-piso at dinagdagan ng 500-piso para sa pagtesting at pagselyo at 500-piso para naman sa transportasyon.

Ngunit ang kabayarang ito ay hindi sapat sa haba ng oras ng serbisyo ng mga guro dagdag pa ang banta sa kanilang buhay lalo na sa magugulong lugar.

Ayon kay Luistro, nakikipag-ugnayan na siya sa mga awtoridad para naman masiguro ang kaligtasan ng mga guro.

Una ng hiniling ni Buhay Party-List Rep. Joselito Atienza na itaas hanggang sa 8,000-piso ang bayad sa mga guro na magsisilbi sa darating na halalan.

Speak Your Mind

*