Dalawang Pinoy gymnasts, sasabak sa Olympic Qualifier

Umalis na ng bansa sina Southeast Asian Games medalists Reyland Capellan at Fil-Am Ava Verdeflor para sa kanilang pagsabak sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Qualifier World Gymnastics Championships.

Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines Secretary General Bettina Pou, na dumating sa Glasgow, Scotland si Capellan at ang kanyang Japanese Coach kasama si Verdeflor at ang humahawak ditong Amerikanong coach.

Si Capellan na tubong Pililia, Rizal ay matagal na nagsanay sa Manila at lumahok din sa mga torneo sa Japan habang si Verdeflor ay tagung-tago na nagsanay sa Texas.

Lalahok si Capellan sa floor exercise na siyang event na nagbigay dito ng gintong medalya noong nakaraang 28th Sea Games sa Singapore habang ang Youth Olympic Games’ Veteran na si Verdeflor ay sasabak sa Uneven Bars, kung saan nagawa nito na iuwi ang medalyang pilak sa Sea Games.

Speak Your Mind

*