Danyos sa Bangus industry sa Dagupan City, umabot na sa 26 million pesos

Umabot sa 26 million pesos ang inisyal na danyos sa industriya ng bangus sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay City Agriculture Officer Emma Molina, inaasahang madadagdagan pa ang halaga ng danyos.

Matapos ang pananalasa ng bagyong Lando, ang pinakamababang presyo ng maliliit na bangus ay trenta pesos kada kilo.

Kahapon naman ang presyo ng malalaking o magandang klase ng bangus ay 100 hanggang 110 pesos kada kilo.

Samantala, labing-anim na barangays pa sa lungsod ang patuloy na nakakaranas ng paglubog sa tubig baha.

Speak Your Mind

*