Danyos sa Pangasinan ni bagyong Lando, umabot na sa higit 550 million pesos

Mahigit 550 million pesos na ang inisyal na naitatalang danyos sa imprastraktura, agrikultura at mga kabahayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Avenix Arenas, ang Spokesperson ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa imprastraktura lamang ay higit 243 million pesos.

Sa agrikultura naman ay 250 million pesos ang nasalanta sa fisheries, palay at high-value commercial crops.

Sinabi ni Arenas na konti pa lamang ang danyos na naitala sa palay ngunit inaasahan na madadagdagan ito kapag humupa na ang tubig baha sa mga apektadong lugar.

Aabot naman sa 60 million pesos ang danyos sa mga nawasak at bahagyang nasira na mga kabahayan.

Speak Your Mind

*