Dasal para kay Ranidel de Ocampo, hiniling ni dating Talk ‘n Text Coach Chot Reyes

Nagkaroon ng seryosong injury si Talk ‘N Text Power Forward Ranidel de Ocampo habang nagbubuhat ng weights kahapon

Ayon kay Talk ‘N Text Assistant Coach Josh Reyes, naka­ramdam si De Ocampo ng lagatik sa kanyang likod at matapos ito ay hindi na siya nakagalaw.

Dahil dito, agad inilagay si de Ocampo sa stretcher at isasakay sa ambulansya papunta sa ospital para makuhanan ng MRI.

Kaagad namang humiling ng dasal para kay De Ocampo si dating Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes.

Ang 6-foot-5 na si De Ocampo ay isang one-time Best Player of the Conference at six-time champion sa Tropang Texters.

Naging miyembro si De Ocampo ng Gilas Pilipinas Teams na kumuha ng silver medal sa FIBA Asia Championships noong 2013 at 2015.

Speak Your Mind

*