Dating Akbayan Rep. Walden Bello, nagdeklarang tatakbo bilang senador

Nagdeklara ng kanyang pagtakbo bilang senador sa 2016 elections si dating Akbayan Rep. Walden Bello.

Sinabi ni Bello na kanyang ipo-promote ang electoral insurgency kontra sa traditional politics, injustice, inequality at corruption.

Sa kaniyang pagsusumite ng Certificate of Candidacy, sumumpa si Bello sa harap ni Philippine Consul General Generoso D.G. Calonge sa Chicago, Illinois.

Ipinadala ni Bello ang kanyang COC sa Maynila na lalagdaan ng kanyang kinatawan base sa panuntunan ng Commission on Elections.

Si Bello ay tatakbo bilang independent candidate at kabilang sa kanyang inaasahang supporters ay mga miyembro ng Civil Society Networks, progresibong organisasyon at mga OFWs.

Speak Your Mind

*