Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hindi na tatakbong presidente sa 2016 elections

Duterte1-300x158Hindi na tatakbo bilang presidente sa darating na eleksyon 2016 si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Duterte, wala na siyang planong tumakbo pa para sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan.

Humihingi naman ng sorry si Duterte sa lahat ng mga nagbigay ng suporta, oras, pagod at nagtrabaho para isulong ang kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa.

Sinabi ni Duterte sa kaniyang open letter para sa mga davawenyos, na nakita niyang hindi pa siya kailangan ngayon ng bansa.

Naniniwala si Duterte na ang kaniyang destiny ay ang paglingkuran ang kaniyang mga kababayan sa Davao at lahat ng mga Davawenyo.

Idinagdag pa ni Duterte na tatapusin na niya ang kaniyang termino sa 2016 kung papayag ang kaniyang anak na si Inday sara na tumakbo bilang mayor sa darating na eleksyon.

Speak Your Mind

*