DENR, puspusan na ang pagsisiyasat sa posibleng pagpasok ng haze sa bansa

Nagsasagawa na ngayon ng pagsisisyasat ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa napaulat na pagpasok ng haze sa bansa mula sa nasusunog na kabundukan sa Indonesia.

Pinag-aaralan ng kagawaran ang paglalagay ng mga equipment upang kumpirmahin kung may halong sulfur dioxide ang nasabing usok.

Naniniwala ang kagawaran na posibleng magdulot ng pangamba sa publiko ang haze dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga makakalanghap nito oras na mahalo na ito sa hangin partikular na sa mga heavy polluted areas, isa na ang Maynila.

Sa kabila nito, muling nilinaw ng Philippine Armospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pag-asa naimposibleng makapasok sa bahagi ng Metro Manila ang pinangangambahang usok mula Indonesia.

Sinabi ni Chris Perez, Pagasa Weather Specialist, malayong mapadpad sa hilagang bahagi ng bansa ang haze dahil nasa timog aniya ang kinaroroonan ng forest fire sa Indonesia habang sa Silangan-Hilagang-Silangan ang direksyon ng inaasahang hangin na papasok sa bansa.

Tiniyak din ng Pag-asa na maigting na minomonitor nito ang pagbabago ng kaulapan at galaw ng hangin sa bansa para sa agarang koordinasyon at babala sa publiko sakaling pumasok nga sa bansa ang haze sa Indonesia.

Speak Your Mind

*