Department of Justice may bago nang kalihim

May bago ng kalihim ang Department of Justice (DOJ) kapalit ni Secretary Leila De Lima na nagbitiw sa puwesto upang tumakbong senador sa 2016 elections.

Ito’y matapos na italaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Alfredo Benjamin Caguioa bilang bagong justice secretary.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma jr., ipinadala na sa Commission on Appointments (CA) ang Ad interim appointment ni Caguioa sa DOJ.

Bigatin din ang kapalit ni De Lima sa DOJ dahil nagtapos ito ng economics mula sa College of Arts and Sciences ng Ateneo De Manila University noong 1981 at nagtapos sa College of Law noong 1985 kung saan panlima siya sa kanyang klase.

Speak Your Mind

*