Deped Dagupan, inaayos na ang ilang classrooms na sinira ni Lando

tiniyak ng Department of Education (Deped) sa lungsod ng Dagupan na sa susunod na linggo ay mayroon nang pasok sa mga paaralan.

Ayon kay Maria Linda Ventenilla, ang Chief School Governance and Operations Division ng Deped-Dagupan, gumagawa na sila ng paraan na maayos ang mga classrooms na pwede pang i-repair.

Mula nang manalasa naman ang bagyong Lando ay nagrereport ang Deped Dagupan sa Regional at Central Office ng ahensya kaugnay ng mga isasagawang major repairs sa mga classrooms.

Ang mga nabanggit na opisina ang magdedetermina ng kaukulang pundo para sa major repairs.

Sa naganap na kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum ay sinabi pa ni Ventenilla na kahapon ay nasa Deped Regional Office ang Schools Division Superintendent para magbigay ng update kaugnay ng pagdaan ng bagyong Lando.

Speak Your Mind

*