Dingdong at Marian, excited na sa pagdating ng kanilang panganay na anak

Kitang-kita na ang pananabik ni Marian Rivera sa pagdating ng kanilang panganay na anak ni Dingdong Dantes.

Inihanda na rin ni Marian ang pangalang Maria Letizia para sa padating na baby girl nila ni Dingdong.

Abala rin ang mag-asawa sa pag-aayos nang magiging kuwarto ni Maria Letizia.

Dumadalo rin sa iba’t-ibang pag-aaral ang mag-asawa para lubos na mapaghandaan ang pagdating ng kanilang baby girl.

Sabik na rin ang mga fans nang mag-asawa na makita ang pagdating ni Maria Letizia.

Ilang araw na lang ay iluluwal na ni Marian sa mundo ang unang bunga nang kanilang pagmamahalan ni Dindong.

Speak Your Mind

*