DOLE, pinaalalahanan ang mga employers sa pagbabayad ng tamang Holiday pay!

Nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na sumunod sa itinatakdang batas sa pagbabayad ng Holiday pay sa mga manggagawa nito na papasok sa Nobyembre 1 at Nobyembre 30.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 15 ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz, idineklarang special non-working holiday ang Nobyembre 1, All Saints Day habang regular holiday naman ang Nobyembre 30 na Bonifacio Day.

Sa ilalim ng Proclamation No. 831 na nilagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, noong Hulyo 17, dapat bayaran ang mga mangga­gawang papasok sa nasabing dalawang araw na holiday.

Sakaling hindi sumunod ang sinumang employers ay maaaring magreklamo ang sinumang empleyado sa alinmang tanggapan ng DOLE sa kanilang lugar

Speak Your Mind

*