DOLE-Region 1, nagsusumikap para magkamit ng ISO Certification

Nakumpleto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office One ang pagsasanay para makamit ang inaasam na 1SO 9001:2008 Certification sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Ang pagsasanay ay nilahukan ng field office at division heads, process owners at Internal Quality Auditors sa tulong ni Cynthia Ramirez, ang  consultant para sa ISO Certification Bid ng DOLE-Region One.

Dumalo rin sa aktibidad sinan Regional Director Grace Ursua at Assistant Director Florence Marie Gacad-Ulep para magbigay suporta at mga kinakailangang karagdagang impormasyon.

Nagsilbi ang pagsasanay bilang oportunidad para sa DOLE-Region One na pag-aralan ang mga dahilan ng problema at bumuo ng kaukulang hakbangin at aksyon para makatugon ang ahensya sa Quality Management System.

Speak Your Mind

*