Donnie “Ahas” Nietes, ideniklarang super champion ng World Boxing Organization

Hinirang ng World Boxing Organization (WBO) bilang super champion ang pinoy longest reigning Filipino boxing champion na si Donnie “Ahas” Nietes.

Mismong si WBO President Fancisco Valcarcel at iba pang mga opisyal nito ang sumalubong sa 33-anyos pinoy boxing champion upang gawaran ng naturang prestihiyong pagkilala.

Isa si Nietes sa mga nominado sa elite WBO super champions kabilang na sina eight-division world champion Manny Pacquiao, Wladimir Klitschko ng Ukraine, Marco Huck ng Germany at Sergey Kovalev ng Russia.

Iginagawad ang naturang parangal sa mga boxing champions ng WBO na nakapagtala ng magandang status dahil sa mga hawak na championship titles.

Ang pagdedeklara kay Nietes bilang super champion ay kasabay nang ginaganap na 28th annual convention ng WBO sa Hilton Orlando Buena Vista Park sa Florida.

Speak Your Mind

*