Donnie Nietes, handa sa laban kontra kay Juan Alejo ng Mexico

nietes

Limang araw bago ang nakatakdang laban, ipinakita ni Donnie Nietes ang kanyang kahandaan at binawasan ang bigat ng pagsasanay nila sa Wild Card Gym sa Hollywood.

Ilang rounds na sparring lamang ang ginawa ni Nietes laban kay Filipino-American Brian Viloria na may malaking laban din sa Oktubre 17 sa New York City.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nagsama sa training camp sina Nietes at Viloria.

Ayon kay Nietes, itataya niya ang kanyang suot na WBO light-flyweight crown at ang kanyang reputasyon bilang longest-reigning filipino champion laban kay Juan Alejo ng Mexico sa linggo.

Ang nasabing title fight nina Nietes at Alejo ang tampok sa Pinoy Pride 33 “Philippines vs the World” sa Stubhub Center, ang tahanan ng Los Angeles Galaxy na dating nagparada kay star David Beckham.

Speak Your Mind

*