DOTC, iimbestigahan ang mga reklamo kaugnay sa “Tanim-Bala”

Iimbestigahan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang mga reklamo tungkol sa “Tanim-Bala” sa Ninoy Aquinio International Airport (NAIA).

Ito ang tiniyak ni DOTC Secretary Jun Abaya kasabay ng kaniyang pag-iikot sa paliparan bilang paghahanda ngayong Undas.

Ayon kay Abaya, kailangang magkaroon ng malaliman na imbestigasyon sa isyu lalo’t marami na ang nahuhulihan ng bala sa airport.

Sinabi rin ni Abaya na kailangang mapanagot ang mga nasa likod ng insidente sakaling napatunayang may sala.

Matatandaan na isang OFW patungong Hong Kong ang hinarang sa NAIA dahil sa umano’y pagdadala nito ng bala sa kaniyang bagahe.

Speak Your Mind

*