DTI, bantay sarado sa presyo ng kandila at bulaklak

Bantay-sarado na ng Department of Trade and Industry ang presyo ng kandila at bulaklak higit isang linggo bago ang Undas.

Naglabas na ang DTI ng Suggested Retail Price (SRP) para maging gabay ng mamimili sa presyuhan ng mga kandila’t bulaklak.

Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, ang SRP ay para magabayan ang publiko sa mura at dekalidad na bulaklak at kandila at para na rin hindi maging dahilan ng pananamantala ng ilang nagtitinda.

Sa ngayon ay bahagya nang tumaas ang presyuhan ng bulaklak sa Dangwa na karaniwang nagmumula sa Benguet.

 

Speak Your Mind

*