DTI, iginiit na panandalian lamang ang bahagyang kakulangan ng supply ng ilang bilihin

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong bahagyang kakulangan ng supply ng gulay, isda at livestock products sa mga pamilihan dahil sa bagyong Lando ngunit ito’y pansamantala lamang.

Ngunit ayon kay DTI Undersec. Victorio Dimagiba, kahit panandalian, may sapat na basehan ang halos pagdoble ng presyo ng ilang gulay.

Tulad ng kamatis na mula P40 kada kilo, ito’y naging P80, habang ang patatas na mula P30 kada kilo ay naging P55 at ang carrots na mula sa P60 naging P80.

Ngunit ayon kay Dimagiba, mayroon mang nararanasang pagtaas, ito’y pansamantala lamang at ina­asahang babalik na ito sa normal habang gumaganda ang panahon.

Speak Your Mind

*