DTI-Region 3, nagpatupad ng price freeze sa ilang lugar sa Central Luzon

Umiiral pa rin ang price freeze sa apat na probinsya sa Central Luzon at pitong bayan sa Pampanga.

Ang ibig sabihin ng price freeze ay walang pagtaas sa mga pangunahing produkto.

Nagbabala si Department of Trade and Industry Regional Director Judith Angeles sa mga negosyante na sinumang negosyanteng mapatunayang nananamantala ay magmumulta ng hanggang isang milyong piso at maaari pa itong makulong ng isa hanggang limang taon.

Mas malaki naman ang ipapataw na multa sa mga mapapatunayang nagtatago ng kanilang mga ibenebenta na pangunahing bilihin.

Sinabi ni Angeles na maaring tumagal ng 60 araw mula nang isailalim sa state of calamity ang mga probinsya na kinabibilangan ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Nasa ilalim din ng State of Calamity ang ilang bayan sa Pampanga tulad ng Apalit, Arayat, Candaba, Macabebe, Masantol, San Luis at San Simon.

Speak Your Mind

*