DTI Region 3, patuloy ang monitoring sa presyo ng kandila ay bulaklak

Patuloy ang pagmu-monitor ng Department of Trade and Industry-3 (DTI-3) sa mga presyo ng mga bilihin partikular na ng mga kandila at bulaklak lalo’t papalapit na ang Undas.

Ayon kay DTI 3 Regional Director Judith Angeles, inaasahang bahagya lamang ang itataas ng presyo ng mga kandila dahil ang mga ibinibenta ngayon sa merkado ay pawang mga old stock.

Samantalang ang presyo naman ng mga bulaklak ay di pa matantya ni Angeles dahil magdi-depende umano ito sa suplay at demand.

Maaaring dumoble umano ang presyo ng mga bulaklak bago sumapit ang Nobyembre a-uno.

Speak Your Mind

*