DTI, tiniyak na walang magiging pagtaas sa mga noche buena items

Walang magiging pagtaas sa presyo ng mga noche buena items hanggang sa matapos ang taong 2015.

Ito ang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI), kung saan may aasahan pa umanong price rollback sa pasta spaghetti at macaroni ang mga mamimili ngayong buwan dahil sa P14 tapyas sa kada sako ng harina sa lokal na merkado.

Bukod pa rito ang malaking bawas-presyo sa pinoy tasty o loaf bread, pinoy pandesal at noodles, bunsod ng mahigit 20 porsiyentong pagbaba sa presyuhan ng trigo sa pandaigdigang pamilihan, may tatlong buwan na ang nakalipas.

Trigo ang pangunahing sangkap sa paggawa ng harina na ginagamit naman sa paggawa ng tinapay at noodles.

Speak Your Mind

*