Edu Manzano, tatakbong senador sa 2016 elections

Kumpirmadong tatakbong senador ang Aktor/TV Host na si Edu Manzano sa 2016 elections.

Ito ang kinumpirma ng isang taong malapit sa aktor/tv host at hintayin na lang daw natin ang pagpa-file nito ng candidacy any time sa mga darating na araw.

Ayon pa sa source, nagdesisyon si Edu na tumakbo dahil napansin nito na kailangan ng mga bagong senador ng ating bansa.

Si Edu ay masasabing may experience na rin sa pamumuno, matagal-tagal din siyang nanilbihan bilang Chairman ng Optical Media Board at naging Vice Mayor din ito ng Makati City.

Hindi pa naman matukoy kung anong partido ang aaniban ng aktor.

Speak Your Mind

*