FDA, pinag-iingat ang mga panadero sa paggamit ng harina

Iniimbestigahan ngayon ng Food and Drugs Administration o FDA ang kalidad ng mga ibinebentang harina mula Turkey at Vietnam sa pamilihan.

Ito’y bilang tugon sa impormasyong ibinigay sa kanila ng Philippine Association of Flour Millers o PAFMIL na nagtataglay umano sobrang yeast o lebadura na nagsisilbing pampa-alsa ng tinapay.

Napag-alamang nagtataglay ng 2,200 colony – forming units per gram ng yeast ang Turkish Brand na Metro Star habang 1,800 colony – forming units per gram ng yeast naman ang nakita sa Vietnamese Flour na Gold Crescent.

Mas mataas ito sa limit na 100 colony – forming units per gram na itinakda ng FDA sa ilalim ng revised guidelines na tumutukoy sa kalidad ng mga processed food.

Ayon kay Ric Pinca, pangulo ng PAFMIL, mas makabubuti para sa mga panadero na iwasan muna ang paggamit sa mga nasabing harina na posibleng magdulot ng peligro sa kalusugan.

Speak Your Mind

*