Hindi masaya ang maglagak ng negosyo sa bansa – foreign investors

Iginiit ng foreign business community na hindi na gaanong ‘masaya’ ang maglagak ng negosyo sa Pilipinas sa mga panahong ito.

Ito’y dahil sa umano’y nakalilitong mga lokal na polisiyang isinusulong ng gobyerno na nagreresulta sa ‘unpredictability’ sa sektor ng negosyo.

Ayon kay Henry Schumacher, presidente ng European Chamber of Commerce and Industry, ang naturang uri ng unstable environment ay posibleng magresulta upang mabigo ang mga foreign chambers na itulak ang PIlipinas bilang investment hub sa Asya.

Dagdag pa ni Schumacher, mahirap para sa isang bansa na makaengganyo ng mga foreign investors kung patuloy na mangangamba ang mga ito na mababalewala ang kanilang mga pinapasok na kasunduan.

Speak Your Mind

*