Former Congressman Mark Cojuangco, nag-file ng COC sa pagka-gobernador

Sama-samang nag-file ng Certificates of Candidacy (COC) kaninang umaga sa Comelec Provincial Office ang mga kasapi ng Nationalist People’s Coalition –Biskeg.

Si fifth district Congresswoman Kimi Cojuangco ay nag-file ng kanyang COC para sa parehong posisyon.

Naghain ng kanyang COC sa pagka-gobernador si dating fitfh district Congressman Mark Cojuangco at sa pagka-bise gobernador naman ay si Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay.

Ang mga kasama nilang nag-file ng COC kanina sa pagka-board member ay kinabibilangan nina Von Mark Mendoza para sa segundo distrito, Vic Ventanilla sa ikatlong distrito, Bernardo Abalos para sa ika-apat na distrito, Jose Peralta at Salvador Perez Jr. naman sa ika-anim na distrito.

Ang iba pang tatakbong Board Member sa ilalim ng nasabing partido ay nauna ng nag-file ng kanilang COC kahapon.

Speak Your Mind

*