Full alert sa Undas, ikinasa ng San Jose-PNP

Handa na ang San Jose City PNP sa inaasahang pagdagsa ng mga taong dadalaw sa mga sementeryo sa Undas.

Ayon kay San Jose City Pnp Chief, Police Superintendent Nolie Asuncion, may mahigit isandaang pulis ang ipapakalat sa buong lungsod, partikular na sa limang sementeryo, maging sa mga bus terminal.

Kaugnay nito, tutulong din ang mga piling ahensya ng lokal na pamahalaan pati na ang mga volunteer mula sa iba’t ibang organisasyon upang matiyak ang seguridad at kaayusan, gayundin ang maayos na daloy ng trapiko.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala sa sementeryo ng mga deadly weapon o matatalim at matutulis na bagay, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggawa ng malakas na ingay habang ginugunita ang nasabing okasyon.

Pinapaalala rin sa publiko na huwag magkakalat at itapon ng maayos ang kanilang mga basura.

Speak Your Mind

*