Game absence ni Coach Steve Kerr ng Golden State, hindi naramdaman ni Steph Curry

Tila walang epekto kay Steph Curry at sa buong koponan ng Golden State Warriors ang game absence ni Coach Steve Kerr ng pinayuko nila ang kalabang New Orleans Pelicans sa season opener game nila ngayong araw.

Pinangunahan ni Curry sa kanyang 40 points ang kampanya ng warriors habang kumana naman ng 18 points si all-star Center Anthony Davis para sa Pelicans.

Samantala, matapos ang laro ay malungkot na humarap sa media si Coach Steve dahil sa wala pang maliwanag na timetable kung kailan nito muling makakabalik sa team.

Ayon kay Kerr, kailangan pa niya ng maraming panahon dahil sa patuloy parin nitong nararamdaman ang simtomas ng kanyang back injury.

Masaya naman ito sa naging performance ng kanyang team at pinuri ang napakagandang team chemistry na ipinakita nito.

Speak Your Mind

*