Gerphil Flores, malapit ng makasama sa concert tour ni David Foster

Hindi na magkapagdedesisyon sa kanyang career si Gerphil Flores dahil pumirma na siya ng kontrata kay producer/singer David Foster.

Sa ngayon, tinatapos lang ni Gerphil ang kanyang commitment sa kanyang eskuwelahan kung saan kumukuha siya ng kursong Bachelor in Music, major in voice at magmamartsa na ang opera singer sa susunod na taon

Nakatakda na raw ang pagsama ni Gerphil sa concert tour ni Foster na iikot sa mga bansa sa Asya sa Marso 2016.

Samantala, kahit may promise si Foster na bibigyan siya ng sariling album, hindi na makapaghintay ang singer dahil sa rami raw ng nagri-request sa kanya na magkaroon ng sariling kanta.

Ngayon pa lang ay pinag-iisipan pa rin niya ang title at ilang cover songs na ilalagay sa album at wish ni Gerphil na ma-release sa December.

Thankful naman si Gerphil dahil mula nang makasama siya sa Asia’s Got Talent ay lumaki na rin ang connection niya sa music industry.

Speak Your Mind

*