Geslani-Domantay, nag-tandem para sa mayor at vice-mayor sa Malasiqui

Nagsanib pwersa ang dalawang mataas na opisyal ng bayan ng Malasiqui, Pangasinan para sa 2016 eleksyon.

Sabay na nag-file ng Certificates of Candidacy (COC) sa Comelec si Vice Mayor Noel Anthony Geslani sa pagka-mayor habang si Mayor Armando Domantay naman ay para sa pagka-bise mayor.

Matatandaan na nitong nakaraang mga buwan ay napapabalitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaa ang dalawa.

Sinabi ni Geslani na nagkaroon naman sila ng magandang pag-uusap ni Domantay kaya natuloy ang kanilang tambalan para sa may 2016 eleksyon.

Una nang napapabalita na ang i-endorso ni Domantay sa pagka-mayor ay ang kanyang maybahay dahil tapos na rin ang kanyang termino.

Inaasahang apat ang maghahain ng COC para sa pagka-mayor sa Malasiqui.

Speak Your Mind

*