Gift-giving at Feeding Program sa mga biktima ng bagyong Lando sa Bongabon, Nueva Ecija, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang gift-giving at feeding program sa Brgy Labi, Bongabon sa pangunguna ng Sonshine Media Network International, Sonshine Philippines Movement at Childrens Joy Foundation.

Anim na raang pamilyang apektado ng bagyong Lando ang nakatanggap ng maagang pamasko gaya ng food packs na kinabibilangan ng bigas, kape, asukal, noodles, at canned goods, tsinelas, mga damit atbp.

Nagkaroon din ng feeding program para sa mga bata at magulang kung saan mainit na arroz caldo ang inihanda ng mga volunteers ng Childrens Joy Foundation.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng maagang pamasko at umaasang muling makakabalik ang grupo sa kanilang lugar.

Speak Your Mind

*