Gov. Espino, hihilingin sa SP ang paglalaan ng karagdagang pundo sa agrikultura

Hihilingin ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ang paglalaan ng karagdagang 50 hanggang 60 million pesos para sa pagsasa-ayos ng nadanyos na mga pananim at taniman sa pananalasa ng bagyong Lando.

Umabot na sa 2.9 billion ang naitalang danyos sa agrikultura, imprastraktura at kabahayan sa lalawigan.

Pinaka-malaki ang danyos sa agrikultura na umabot sa mahigit 2.3 million pesos.

Karamihan sa mga palay na nalubog sa baha ay nasa maturing at ripening stage. Ilan din sa mga nadanyos ay iba’t ibang high-value crops at mga palaisdaan.

Samantala, labing-dalawa na ang naitalang nasawi habang labing-anim ang sugatan sa pananalasa ng bagyo sa lalawigan.

Speak Your Mind

*