GSIS funeral benefit, tumaas ng sampung libong piso

Tumaas ng sampung libong piso ang funeral benefit na ibinibigay ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay Frederick Parajas, officer three ng GSIS-Dagupan, ang dating funeral benefit ay 20,000 pesos, ngunit ngayon ay umakyat na sa 30,000 pesos.

Tinaasan ng GSIS ang benepisyo dahil matagala na itong hindi tinataasan, liban pa sa tumataas na rin ang presyo ng mga bilihin.

Siniguro naman ni Parajas na kapag kumpleto ang dokumento ng mga nag-ki-claim ay maipru-proseso ito sa loob ng isang araw.

Speak Your Mind

*