Haze, posibleng makapagpalala sa air pollution sa Metro Manila ayon sa isang eksperto

Posibleng makadagdag sa problema ng air pollution sa Metro Manila ang matinding haze mula Indonesia sa kaling makarating na ito dito.

Ayon kay Dr. Virgilo Lazaga, Chairman ng Environment and Sanitation ng Philippine Medical Association (PMA), masyado ng nakaka-alarma ang nararanasang polusyon na nagmumula sa sasakyan at pabrika sa kamaynilaan.

Sa tala ng PMA, mula sa normal na 70 to 90 milligrams particulate matter ng hangin sa Metro Manila ay umakyat na ito ngayon sa 150 hanggang 153 milligrams particulate matter na pinangangambahang makaapekto sa kalusugan ng publiko.

Nananawagan din si Lazaga sa publiko na magsuot ng face mask partikular na ang mga may hika, nakararanas ng cardiovascular diseases at allergy.

Speak Your Mind

*