Higit 400 karagdagang pwersa ng kapulisan sa rehiyon uno, itinalaga

Mahigit apat na raang Police Personnel mula sa Regional Public Safety Battalion One, ang itinalaga sa apat na probinsya sa rehiyon uno.

Ang nabanggit na bilang ay magiging karagdagang pwersa upang mapalakas ang bawat himpilan ng police sa rehiyon, kasabay sa panahon ng filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2016 eleksyon.

Sa isinagawang send-off-ceremony sa Camp Florendo sa lungsod ng San Fernando,  La Union ay sinabi ni Region 1 OIC Police Director, Chief Supt. Ericson Velasquez na 246 ang itinalaga sa Pangasinan, 58 sa La Union at Ilocos Sur, 42 sa Ilocos Norte at tatlo ang na re-assign sa PNP Regional Headquarters.

Hinihikayat ni Velasquez ang mga bagong itinalagang PNP Personnel na patunayan ang kanilang dedikasyon bilang patrollers at magsisilbing tagapag-bantay ng komunidad.

Ang pagtatalaga sa mga PNP Personnel ay base na rin sa direktiba ng PNP Leadership upang mapalakas ang presensya ng kapulisan sa komunidad at isulong ang pagpapatrolya bilang epektibong paraan laban sa krimen.

Speak Your Mind

*