Higit 52 police sa rehiyon uno, sumailalim sa ilang araw na rescue operations training

Sumailalim sa Disaster, Search and Rescue Operations Training ang 52 police personnel mula sa Maneuver at Public Safety Companies ng Regional Public Safety Battalion 1 (RPSB1).

Isinagawa ang limang-araw na pagsasanay sa Police Regional Office One (PRO1) chapel sa Camp BGen. Oscar Florendo sa lalawigan ng La Union.

Nagsilbing pangunahing bisita sa pagsasanay si Police Superintendent Marlon Paiste, ang Chief Public Information Officer ng PRO1.

Nagpasalamat si paiste sa mga miyembro ng RPSB1 na tumulong sa rescue operations sa pananalasa ng bagyong Lando.

Sinabi rin nito na malaking tulong ng ilang araw na seminar para lalong mahasa ang kasanayan ng RPSB1 paratikular sa pagsalba ng buhay at mga nararapat na gawin tuwing may sakuna at kalamidad.

Natuto sa seminar ang grupo ng kapulisan na maging mas karapat-dapat na tagaligtas sa water-related disaster at para lalong malinang ang tiwala sa sarili, determinasyon, pagtutulungan at pakikisama sa mga posibleng kalamidad, search and rescue operations.

Speak Your Mind

*