Higit 74,000 botante sa Pangasinan, hindi pa nakapag-biometric ayon sa Comelec

Walang extension para sa registration at validation.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ng Pangasinan at tiniyak naman nitong mina-maximize nila ang nalalabing oras sa itinakdang deadline bukas.

Base sa tala ng Comelec-Pangasinan, mahigit o 4.5 percent o 74,000 rehistradong botante ang hindi nagpapa-biometrics.

Sa ngayon ay pila-pila na ang mga nagpaparehistro sa Comelec Offices sa lalawigan lalo na sa Central Pangasinan.

Para masiguro na maging tahimik at mapayapa ang pagpila ay nag-iisyu na ang ilang Comelec Offices ng priority number.

Speak Your Mind

*