Higit P100 M, pinsalang iniwan ng bagyong Lando sa Dagupan City

Aabot sa P101 Milyon ang halaga ng danyos sa lungsod ng Dagupan sa pananalasa ng bagyong Lando.

Ito ay base sa final report ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) kaugnay sa pinsalang iniwan ng bagyo mula October 18 hanggang 20.

Mahigit 63,000 ang danyos sa imprastraktura na kinabibilangan ng gusali ng pampublikong eskwelahan, kalsada at government facilties.

Samantalang aabot naman sa 38 million pesos ang danyos sa agrikultura at fisheries.

Kabuuang 350 kabahayan ang nawasak habang mahigit 2,200 naman ang bahagyang nasira.

Magugunitang noong October 20 ay idineklara ng sangguniang panlungsod na ang Dagupan ay nasa ilalim na ng State of Calamity dahil sa bagyong Lando.

Speak Your Mind

*