Higit P2M halaga ng shabu, nakumpiska ng otoridad sa Dagupan

Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa Sitio Silungan sa lungsod ng Dagupan kahapon.

Ayon kay Police Senior Superitendent Rollie Saltat, ang officer-in-charge ng Pangasinan PNP aabot sa 300 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa lugar.

Labing-apat na katao ang kanilang naaresto.

Sa katunayan ang ilan sa mga ito ay naabutan na nag-re-repack pa ng bulto-bultong shabu.

Tiniyak naman ni Saltat na marami pa ang kanilang isusunod na operasyon kaugnay ng one time, bigtime illegal drugs operation ng kapulisan katuwang ang ibang ahensya.

Speak Your Mind

*