Hirit ni Sen. Bong Revilla na makadalo sa debut ng anak, ibinasura

Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., na pansamantalang makalabas ng kulungan para dumalo sa debut celebration ng anak.

Matatandaan na sa pagdinig sa mosyon ni Revilla sa Sandiganbayan, sinabi ni Lead Prosecutor Atty. Joefferson Toribio na walang batayan ang hirit na furlough ng senador.

Paliwanag ng prosekusyon, special treatment na maituturing kung papayagan ng korte si Revilla sa hirit nito.

Una nang sinabi ni Revilla sa kaniyang mosyon na bahagi ng kulturang pilipino ang ipagdiwang ang pagpasok ng babae sa kanyang “legal age” o pagiging adult nito.

At dahil dito, nais umano niyang makabahagi sa selebrasyong ito ng kanyang anak.

Gagawin ang debut party sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa City sa sabado.

Speak Your Mind

*