Holdaper na naging milyonaryo, timbog ng mga otoridad sa China

Makalipas ang labing anim na taon, nahuli rin ng mga awtoridad ang isang Chinese na naging milyonaryo matapos mangholdap nang isang bangko.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek sa kaniyang apelyido na Shi.

Si Shi ay naging lider ng five-strong gang na tumangay nang mahigit sa  milyong Yuan noon at ngayon ay nagkakahalaga na nang 330,000 dolyar, noong Disyembre 1999 sa isang bangko sa Henan.

Kinuha ni Shi ang kaniyang pera na bahagi nang mga naholdap  at ginamit niya ito sa kaniyang mga negosyo sa property development, komersyo at amusement farms hanggang sa lumago at maging milyonaryo ito.

Naging national sensation ang ginawang panghoholdap ng grupo ni Shi noon dahil sa malubhang kalagayan nang security guard at bank teller na nabaril sa naturang insidente.

 

Speak Your Mind

*