Human Rights Action Center, ipapatayo sa lalawigan ng Pangasinan

Magtatayo ang Provincial Government ng Pangasinan ng Human Rights Action Center.

Base sa aprubadong resolusyon na ipinanukala ni Board Member Alfonso Bince Jr. ay binigyang kapangyarihan si Gov. Amado Espino Jr. na makipagkasundo kay Commission on Human Rights (CHR) Chairman Jose Luis Martin Gascon para sa operasyon ng center.

Naniniwala si Bince, na malaki ang magiging pakinabang ng mga Pangasinense para mapangalagaan ang kanilang karapatan sa komunidad.

Nakasaad sa resolusyon na sa pagpapatayo ng center ay mabubuo na ang lokal na polisiya at programa para matugunan ang mga usapin kaugnay sa karapatang pantao, mga alituntunin sa batas at pagkamit ng hustisya.

Speak Your Mind

*