Ilang katutubo at muslim, binigyan ng provincial government ng scholarship

Binigyan ng provincial government ng scholarship ang limampung mga estudyante na bagong iskolars, karamihan ay myembro ng Indigenous Peoples (IPS) at Muslim Community.

Naganap ang pagbibigay ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. ng scholarship grants sa naganap na regular flag raising ceremony ng mga provincial employees kahapon sa capitol plaza sa bayan ng Lingayen.

Layon ng scholarship program na mabigyan ng pagkakataon ang mga katutubo at kapatid na Muslim na mapa-unlad ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Ang mga scholars na nabigyan ng 8,000 pesos kada semestre ay mula sa mga bayan ng Bayambang, Bugallon, Mangatarem, San Nicolas, Sison, gayundin sa mga lungsod ng Alaminos at San Carlos.

Ang mga ito ay nag-aaral ngayon sa iba’t ibang unibersidad sa probinsya at sa labas ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*