Ilang lansangan patungong Baguio City, binuksan na

Binuksan na sa mga motorista ang apat na mga pangunahing lansangan papuntang Baguio City.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, natanggal na ang mga nakahambalang na nabuwal na mga punong kahoy sa daan dahil sa paghagupit ng bagyong lando.

Kabilang sa mga binuksang kalsda ang Marcos Highway, Baguio-Bontoc Road, Baguio-Bauang Road, at Baguio Nueva Vizcara Road.

Nananatiling sarado pa rin ang Kennon Road at iba pang mga kalsada paakyat  ng Baguio City.

Speak Your Mind

*