Ilang paaralan sa Dagupan City, ginagamit pa na evacuation centers ayon sa Deped

Mayroong pa ring mga paaralan sa lungsod ng Dagupan na ginagamit ng mga evacuees.

Ayon kay Maria Linda Ventenilla, ang Chief School Governance and Operations Division ng Department of Education (DEPED) sa lungsod ng Dagupan, mas marami ngayon ang mga nag-evacuate sa paaralan sa malued area dahil tumaas ang tubig baha.

Samantalang sa Bonuan area naman ay unti-unti ng nag-uwian sa kanilang mga kabahayan hanggang kaninang umaga.

Sinabi ni ventenilla sa kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum na malalim pa ang tubig baha sa ilang paaralan sa lungsod gaya ng Pogo-Lasip Elementary School at Juan L. Siapno Elementary School.

Speak Your Mind

*