Ilocos Sur Negosyo Center, pinasinayaan ng DTI sa Vigan

Pinasinayaan kamakailan ang Department of Trade and Industry (DTI) ang Ilocos Sur Negosyo Center sa lungsod ng Vigan.

Layon sa pagpapatayo ng nasabing center na matulungan ang mga maliliit na negosyante at mapa-unlad ang ekonomiya ng probinsya.

Sinabi ni DTI Regional Director Florante Leal, na ito na ang ikalawa sa Ilokos na tutulong sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME’s) sa probinsya.

Ayon pa kay Leal, kinakailangang magkaisa ang gobyerno at pribadong sektor para makalikha ng trabaho na panlaban sa kahirapan.

Ilan sa mga serbisyong iniaalok sa negosyo center ang trainings, business advisory, business name registration, consultancy, financing facilitation, market linkage , trade promotion, business information and advocacy at networking sa  ibang ahensya ng gobyerno.

Speak Your Mind

*