Indonesia, hirap na sa pag-kontrol sa forest fires na sanhi ng haze

Hanggang sa ngayon ay hindi parin nakokontrol ang forest fires sa Indonesia na siyang sanhi ng haze na nakaka-apekto na sa mahigit 1.7 milyong ektarya na ng kagubatan.

Ayon sa pahayag ni Indonesian Environment and Forestry Minister Siti Nurbaya, ginagawa na nila ang lahat para maapula ang sunog pero hindi na makontrol ang forest fires.

Sa ngayon, umaabot na sa 26,000 sundalo, pulis at fire personnel ang naka-deploy ng indonesia para apulahin ang sunog sa anim na lalawigan katuwang ang 25 eroplano na nagsasagawa ng water-bombing at cloud seeding operations.

Nabatid na kumalat na ang haze mula Indonesia, sa karatig na Malaysia, Singapore, Thailand at dito sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*