Babae sa South Korea, kinasuhan ng panggagahasa ng mister

Isang South Korean woman ang nahaharap sa kaso dahil sa umano ay panggagahasa sa sarili nitong asawa.

Sa report ng Yohan News Agency, ang babae na nakilala lamang sa kaniyang apilyido na Kim, ang unang misis na nasampahan ng marital rape case sa nasabing bansa.

Ayon sa Central Prosecutor’s Office sa Seoul, ikinulong pa ni Kim ang kaniyang asawa sa kanilang bahay sa loob ng 24 na oras at pinuwersa itong makipagtalik sa kaniya.

Ginawa umano ni Kim ang pamumuwersa sa mister para makakuha ng ebindesya na kaniya namang gagamitin isasampa niyang divorce.

Nabatid na noong may 2013 ay idineklarang krimen sa South Korea ang “rape within marriage”.

Speak Your Mind

*