Isang hunter sa Indiana, USA, sugatan matapos mabaril ng alagang aso

Sugatan ang isang babae makaraang aksidenteng mabaril ng alaga nitong aso habang abala sa pagha-hunting sa isang parke sa Indiana, USA.

Sa ulat ng Associated Press, nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang biktimang nakilalang si Allie Carter, 25-anyos, dahil sa tinamong tama ng bala ng 12-gauge shotgun.

Base sa ulat, kasama ng biktima na nagsagawa ng pagha-hunting sa Tri-County Fish and Wildlife Area ang alaga nitong asong si ‘Trigger’ na isang labrador nang mangyari ang insidente.

Sinasabing napagod ang biktima sa pagha-hunting ng Waterfowl kung kaya’t nagpahinga ito at ibinaba ang hawak nitong baril kung saan nakalimutan nitong ilagay sa safety switch ang shotgun at nang lapitan ng alaga nitong asong si Trigger ay aksidenteng naapakan ito hanggang pumutok.

Sa puntong ito ay duguang humandusay ang biktima na tinamaan sa kaliwang paa kung saan agad itong sinaklolohan ng mga empleyado ng nasabing pasyalan.

Speak Your Mind

*